1 patay, 5 sugatan nang tamaan ng kidlat sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 03:26 AM

Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng San Miguel

LEYTE—Patay ang 1 magsasaka habang sugatan ang 5 iba pa matapos tamaan ng kidlat sa bayan ng San Miguel, Leyte Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Rexie Sequijod, 21.

Nagpapagamot naman sa Eastern Visayas Regional Medical Center sina Erlinda Solayao, 60; Wilma Antoni, 59; Marilyn Erandio, 32; Zaldy Antoni, 26; at Virginia Bague, 57.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, naghahanda ng itatanim na palay ang mga biktima nang tamaan ng kidlat.

Dinala pa sa Rural Health Unit ng San Miguel si Sequijod pero idineklarang dead on arrival na si Sequijod. — Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.