1 kilong cocaine, natagpuang palutang-lutang sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 01:16 AM | Updated as of Jun 27 2019 07:00 AM

Isang kilo ng cocaine ang natagpuan ng isang mangingisda na lumulutang sa isang dalampasigan sa bayan ng San Jose Miyerkoles. Kuha ng San Jose Municipal Police Station

CAMARINES SUR—Isang kilo ng cocaine ang natagpuan ng isang mangingisda na lumulutang sa isang dalampasigan sa bayan ng San Jose Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ni Zaldy Delfino ang nasabing ilegal na droga, na nakalagay sa isang plastic bag, sa dalampasigan ng Manzana village.

Dinala agad ng mangingisda ang cocaine sa mga awtoridad. Kinompirma naman ng Camarines Sur crime laboratory na cocaine nga ang nakalagay sa plastic bag.

Walang naiulat kung magkano ang halaga ng ilegal na droga.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung saan posibleng nanggaling ang cocaine.—Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.