Traffic enforcer pinaslang sa clearing operation

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2018 01:20 PM

MAYNILA - Patay ang isang trapik enforcer makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Parola Compound sa Tondo, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang krimen habang nagsasagawa ng clearing operation ang biktimang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival. 

Tinutugis na ng pulisya ang nakatakas na salarin.