Bulacan’s ‘most wanted,’ patay sa engkuwentro

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2018 04:26 AM

PAMPANGA—Patay ang itinuturing na most wanted person sa Bulacan matapos maka-engkuwentro ang mga pulis sa bayan ng Apalit Lunes.

Kinilala ang nasawi na si Michael Delos Reyes, 35, na may warrant of arrest sa kasong murder.

Ayon kay Supt. Roland Agohob, officer-in-charge ng Apalit Municipal Police Station, most wanted person ng Bulacan ang suspek.

Lider din umano siya ng isang crime group, dagdag ni Agohob.

Nauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Delos Reyes sa Barangay San Juan mag-aalas-3 ng hapon.

Nasawi rin ang kasamahan ni Delos Reyes na kinilalang si Richard Casimiro, 33.

Nanindigan naman ang mga kaanak ng mga napatay na inosente sila.

Nakatakdang isailalim sa ballistic examination ang mga baril na nakuha sa mga napatay para malaman kung sangkot sila sa iba pang krimen. - ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.