Bank teller nagnakaw ng powdered milk sa supermarket

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2018 10:50 AM

MAYNILA - Arestado ang isang bank teller matapos mahuling nagnakaw ng powdered milk sa isang supermarket sa Sta. Cruz, Maynila nitong Martes.

Batay sa paunang ulat ng pulisya, pumasok ang 26-anyos na babae sa supermarket alas-7 ng gabi.

Napansin umano siya ng guwardiya na inilagay ang 2 pakete ng powdered milk sa kaniyang shoulder bag.

Umiwas ang babae sa cashier pero naharang siya ng guwardiya.

Nakumpiska sa kaniya ang mga gatas na nagkakahalaga ng nasa P2,000.

Wala ring naipakitang resibo ang babae kaya ito inaresto.

Mahaharap siya sa kasong theft. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.