Lalaking lasing putol ang daliri nang sumemplang ang motorsiklo

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2017 10:27 AM | Updated as of Jun 27 2017 02:53 PM

MAYNILA - Putol ang daliri ng isang lalaki matapos sumemplang ang mimamaneho nitong motorsiklo sa highway bahagi ng Barangay Talipapa, Quezon City, maghahatinggabi ng Linggo.

Aminado ang motoristang si Louie Velasquez na nakainom siya bago magmaneho at gusto lamang nitong umuwi nang mga panahong iyon.

Agad dinala sa ospital ang motorista kung saan susubukan pang pagdugtungin ang naputol niyang daliri. Bukod sa putol na daliri, sugatan din ang iba't ibang bahagi ng katawan ng lalaki.

Lumalabas sa imbestigasyon na hindi napansin ni Velasquez ang mga traffic signage sa lugar na kaya siya sumemplang. Wala namang nadamay na ibang motorista sa aksidente.

Paalala naman ng mga awtoridad sa mga motorista, huwag magmaneho nang nakainom ng alak.

Bukod sa bawal ito sa batas, maaari pa itong maging sanhi ng pagkamatay.