Bangkay ng lalaki, itinapon sa talahiban sa Caloocan

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2017 10:21 AM

Duguan at walang buhay ang isang lalaki nang matagpuang nakahandusay sa madilim na talahiban sa Lupang Pangako, Sta. Quiteria, Caloocan City, Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, 10:45 ng gabi nang makatanggap sila ng report kaugnay sa insidente.

Nakitang may mga tama ng bala ng baril ang hindi pa nakikilalang biktima na nakasuot ng puting t-shirt at asul na pantalon.

Blangko ang pulisya sa motibo sa pamamaslang, at hindi pa rin nakikilala ang salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.