PatrolPH

Umano'y lasing na pulis nag-amok sa MPD HQ; suspek, kapwa-pulis, patay

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2021 03:50 PM

Umano'y lasing na pulis nag-amok sa MPD HQ; suspek, kapwa-pulis, patay 1

MAYNILA—Dalawang pulis ang namatay sa pamamaril nang mag-amok umano ang kapwa-pulis sa Manila Police District headquarters sa Ermita, gabi ng Biyernes. 

Base sa imbestigasyon, lasing umano ang pulis na may ranggong police executive master sergeant nang puntahan ang tanggapan ni district director Leo Francisco at nagpaputok ng baril. 

Wala sa loob ang direktor pero pinasok din niya ang iba pang mga opisina at nagpaputok ng baril. 

Dalawang pulis ang tinamaan ng bala kung saan isa ang namatay. 

Napatay naman ang suspek nag maka-engkuwentro ang isa sa mga kasamahan nito. 

Iniimbestigahan ang motibo ng suspek. 

— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.