'Sa dami ng problema?': Panukalang pagpapalit ng pangalan ng NAIA binatikos

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 08:22 PM | Updated as of Jun 26 2020 11:19 PM

MAYNILA — Inulan ng batikos ang panukala ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Deputy Speaker Paolo Duterte na baguhin ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa panukala ni Duterte, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap, nais nilang palitan ang pangalan ng NAIA sa "Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas."

"With the proposed name, the airport will be easily identified as the international doorway of the country, in view of it being in Filipino language and branding it as the international airport of the Philippines," anila sa explanatory note ng bill.

Sabi ng netizens, wala sa oras ang naturang bill dahil sa dami ng kinahaharap na problema ng Pilipinas sa panahon ng pandemyang COVID-19.

"There are a lot of problems. in the Philippines. Especially, COVID-19 you will rename NAIA instead of facing the problem we are facing," ayon sa netizen na si @pareciousss.

"LOL if you're gonna rename NAIA, at least give it a nice sounding name. PPP Airport would be redundant. PPP? Ano 'to, film festival? 3P? Ano 'to, ayudang binawasan? What will tourists call the airport? So many questions!" ayon naman kay @anjpessumal.

Nitong Biyernes, sinabi rin ni Vice President Leni Robredo na "ill-timed" ang naturang panukala.

"When I first read about it, iyong pinaka-tanong ko sa sarili ko: 'Ngayon pa talaga?' Ngayon pa talaga na dapat all hands on deck tayo na nagtutulong-tulong para masugpo iyong pandemya," ani Robredo sa panayam ng CNN Philippines.

"Number one, it’s ill-timed. Number two, alam naman natin why it was named Ninoy Aquino International Airport. So iyong tanong, where is our sense of history?" aniya.

Ipinangalan ang NAIA sa pinaslang na dating senador Beningo "Ninoy" Aquino Jr. Ang misis niya na si Corazon Aquino ang pumalit sa diktador na si Ferdinand Marcos.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.