'Pantawid ng Pag-ibig': Pagkain, gatas hatid sa Aeta community sa Tarlac

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 08:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Tatlong buwan nang may ubo at lagnat ang 23 taong gulang na si Chona Garcia.

Hindi siya madala sa doktor sa pangambang mahawahan ito pagdating sa pagamutan.

Pero napilitan umano siyang magpa-check up nang tuluyan nang lumala ang kaniyang sitwasyon.

“Sabi po sa amin, bakit ngayon ka lang pumunta sa ospital? Kasi natatakot po kami sa COVID. Natatakot po kami diyan sa daan kasi hinihigpitan po kami ayaw po padaanin diyan po,” ani Marieta, ina ni Chona.

Nakahinga nang maluwag ang mag-anak nang malamang hindi COVID-19 ang sakit ni CHona.

Pero kailangan din ng gamutan nang lumabas na may tubercolosis pala ang dalaga.

Buti na lang at libre ang gamot sa health center.

Halamang gamot naman ang panlaban ni Angelita Yamson para makaiwas sa coronavirus.

“Kasi po kapag may nakitang COVID bukas mamatay ka na iyon po ang ikinakatakot nila. Sabi ko ano na lang ang gagawin natin dahil may alam tayo na ano sa bundok, iyon na lang ang gagamitin natin, sa awa ng Panginoon, nakagagaling iyong alam namin na herbal herbal,” ani Yamson.

Tigil-trabaho rin ang karamihan sa mga Aeta sa Sitio Ye Young na nabubuhay sa pamamasukan o pagiging construction worker.

“Kasi po itong sakit na ito, traydor po sa ating mga tao lalo na po sa mga katutubo na walang alam, kundi po mag-ingat at magsikap sa kanilang sarili,” ayon sa chieftain na si Arthur Garcia.

“Sana po tulungan po kami na makapagbigay na kayo ng pagkain sa amin nakikita ninyo po ang mga katutubo po uhaw na uhaw na sa pagkain at mga pangangailangan nila sa pamilya,” dagdag niya.

Bumiyahe ang “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN patungo sa komunidad ng mga Aeta kasama ang 3rd Mechanized Infantry Batallion - Pambato Division ng Philippine Army at ang Philippine National Police para magpaabot ng gatas at pagkain sa mga residente. .

“This activity is one of our unit’s efforts in addressing the challenges po na kinakaharap ng mga kapatid nating katutubo. So kami po ay taos-pusong nagpapasalamat dahil kami po iyong nagsilbing instrumento para po maihatid iyong tulong po na galing sa Lingkod Kapamilya Foundation ng ABS-CBN po,” ayon kay 2nd LT. Shiela Mae Vasquez ng Philippine Army.

Nasa mahigit 200 pamilyang katutubo ang nabigyan ng ayuda.

“Salamat sa Diyos po meron pong dumating po na nagbibigay po sa amin, mga gatas ng anak ko po, para lumakas po ang anak ko po,” ani Marieta.

“Ako po ay nagpapasalamat na iyong aming hiling na mga katutubo, dininig ng ABS-CBN, sana po ilayo kayo sa dumarating na sakuna kagaya ng sakit,” ani Yamson.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.