Pag-iisyu ng PWD ID pinahihigpitan ng DILG

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 12:59 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga local government unit na maging istrikto at higpitan ang proseso ng pagbibigay ng Person with Disability (PWD) card. 

Kasunod ito ng ulat na may mga indibidwal sa Quezon City na pinepeke umano ang kapansanan para mapakinabangan ang PWD discounts. 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat maging maingat ang mga LGU sa mga taong nais magkaroon ng PWD ID kung hindi sila karapat-dapat sa mga pribelehiyo ng PWD.

Dapat aniyang tiyakin na ang ID ay ibinibigay lamang sa mga lehitimong PWD. 
 
Hindi dapat magpatuloy ang pamemeke at pang abuso sa gamit ng PWD ID dahil baka mabangkarote pa ang mga business establishments lalo na ngayong may pandemya, dagdag niya. 

Hinihikayat din ni Año ang mga establisyemento na ireport sa mga pulis at LGU kung may nakitang gumagamit ng pekeng PWD ID. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.