Paano dapat magdiwang ng pista sa gitna ng pandemya?

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 11:19 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government na sundin ang lockdown protocols sa mga lugar na magdiriwang ng piyesta. 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, walang pwedeng pagdiriwang ng fiesta sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine. 

"Puwedeng magdasal na lang. Kung magtitirik ng kandila para sa santo, less than 10. Sundin natin ang protocol sa GCQ," sabi ni Año. 

Sa ilalim ng GCQ, nililimitahan lamang sa 10 katao ang mass gathering habang 50 porsiyento naman ng kapasidad ng isang venue ang papayagan sa Modified GCQ. 

“Ito naman para sa kaligtasan ng lahat,” paliwanag niya sa panayam sa Teleradyo, Biyernes ng umaga. 
 
Aniya, mas hahaba ang community quarantine kapag patuloy na nalalabag ang mga protocol. 

"Gusto nating maka-graduate kaagad tayo dito," sabi niya. 

Dagdag ni Año na hindi naman ipinagbabawal ang maghanda ang mga bahay-bahay. 

“Kung maghahanda ka at kayo-kayo lang naman, immediate family at hindi kayo magba-violate ng mass gathering ok lang naman din 'yan kaya lang with caution,” sabi niya. 

Dapat din aniya na mahigpit na bantayan ng local government units ang pagpapatupad ng mass gatherings.