Mga infectious waste natagpuan sa bakanteng lote sa Lapu-Lapu City

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 08:38 PM

Watch more in iWantTFC

LAPU-LAPU CITY — Mga nagamit nang syringe, EDTA tube na may dugo pa sa loob, at mga ginamit nang mga rapid test ang tumambad sa mga opisyal sa Barangay Pajo dito matapos nilang matangap ang report na merong maraming infectious waste na nakakalat sa isang bakanteng lote ng lugar.

Ayon sa barangay chairman, pribadong lote ang pinagtapunan ng mga nakakalat na infectious waste.
    
Ang guwardiya ng lote ang nagsumbong sa barangay dahil nababahala na sila sa posibleng sakit na maaaring makuha galing sa mga infectious waste.
    
Kinordon na ng barangay ang lote para hindi mapasukan ng mga residente.

"Nakita natin ngayon mga rapid test lang at saka HIV at saka syphilis pero ang city nalang mag-investigate kung sino ang liable sa nagtapon ng mga basura," ani Lyndel Bullos, chairman ng Barangay Pajo.

Paiimbestigahan ng lokal na pamahalaan ang pagtapon ng infectious waste.

Titingnan din nila kung may CCTV sa lugar para mas mapabilis ang kanilang imbestigasyon.
    
Dahil may mga rapid test kits na nakita sa lugar, ipasusuri rin kung may itinapong COVID-19 test kits.
    
Malayo naman sa bahay ng mga residente ang pinagtapunan ng mga infectious waste.

Nakatakdang itapon ng City Environment and Natural Resources office ang mga infectious waste sa ligtas na lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.