'Humayo kayo't mamigay ng ayuda': Bagong kasal sa Bulacan, namigay ng PPEs at relief goods

Josiah Antonio, ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 08:43 PM

Imbes na malaking handaan matapos ang pag-iisang dibdib, napili nina Wilbert at Harlene Silverio na magbahagi ng tulong sa kanilang komunidad.

Agad na dumiretso sa pamimigay ng groceries sa komunidad at mga personal protective equipment (PPE) sa mga ospital sa Bulacan ang mag-asawa matapos ang kanilang kasal nitong Hunyo 18.

Ayon kay Wilbert, ito ang paraan nila ng pagpapasalamat sa Panginoon matapos matuloy ang kanilang kasal sa kabila ng kinakaharap na coronavirus pandemic.

“Gusto lang namin i-honor si Lord, and we as a couple believe na yung maliit na tulong namin may malaking difference na magagawa hopefully maging inspiration din sa iba,” ani Wilbert sa panayam sa ABS-CBN News.

[EMBED: https://www.facebook.com/abscbnNEWS/posts/10158507629315168]
 

Kwento pa ni Wilbert, suhestiyon ng kanilang pastor na mamigay ng tulong sa mga frontliners at mga nangangailangan na komunidad.

“Pinag-usapan namin ni misis and pinag-pray din. Eventually, pinili namin siyang gawin. It is our way to honor God at the same time, thanksgiving na din namin 'yun sa mga modern-day hero natin,” ani Wilbert.

Kinasal sina Wilbert at Harlene sa Victory Church, Sta. Maria Bulacan kasama ang higit 10 kamag-anak.

Namigay sila ng mga PPE sa Bulacan medical mission group cooperative hospital sa Turo, Bocaue at Pandi emergecy service at namigay naman ng groceries sa Corazon de Jesus Poblacion, Sta. Maria.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.