Pawikan, natagpuang patay sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 09:05 AM

Agad na inilibing ang pawikang natagpuang patay sa tabi ng dagat. Napansin din ng mga residente ng puro plastic ang dumi ng pawikan. Larawan mula kay Barangay Captain Bill Kratzer

VALLADOLID, Negros Occidental – Patay na nang matagpuan ng mga residente ang isang Green Sea Turtle sa tabi ng dagat sa Barangay Poblacion, Martes ng hapon.

Ang pawikan ay may tatlong talampakan ang haba.

Ayon kay Bill Kratzer, punong barangay ng Poblacion, wala silang nakitang sugat sa pawikan pero napansin lang nila na ang dumi nito ay puro plastic.

Maaari umanong nakakain ng maraming plastic ang pawikan, sabi Krazter.

Agad naman nila itong inilibing sa tabi ng dagat sa payo ng Municipal Agriculture Office para hindi makaapekto sa kalusugan ng mga residente sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.