'No. 2 most wanted' sa Pampanga, tiklo sa Bacolod

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 08:12 PM

BACOLOD CITY - Naaresto sa lungsod na ito ang ikalawa sa "most wanted" ng probinsiya ng Pampanga noong Lunes.

Timbog si Peejay Santos, 35, na nahaharap sa kasong murder na isinampa laban sa kaniya noong 2011.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group, tumakas si Santos at nanirahan sa mga kamag-anak sa Bacolod.

Pinabulaanan naman ni Santos ang akusasyon laban sa kaniya. Nanindigan siyang dapat kunin daw siya bilang witness sa kaso pero dahil may banta raw sa kaniyang buhay kaya umalis siya ng Pampanga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.