May-ari ng tindahan sa palengke, patay sa pamamaril sa Cebu City

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 12:14 AM

CEBU CITY - Patay ang isang may-ari ng sari-sari store sa Carbon Public Market sa Cebu City matapos pagbarilin ng mga naka-motorsiklong salarin pasado alas-9 Martes ng gabi.

Kinilala ng mga police ang biktima na si Arlinda Garcia.

Ayon sa imbestigador ng insidente na si Police Staff Sargent Joel Perolino, nagbabantay ng kaniyang paninda ang biktima ng biglang nilapitan ng mga lalaking naka-bonnet at binaril.

Ayon sa mga tindera ng sari-sari store na pagmamay-ari ng biktima, walang naka-away si Garcia sa Carbon Public Market.

Hindi rin masasabi ng mga pulis na robbery ang nangyari dahil hindi kinuha ang pera ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.