Lalaki patay sa aksidente sa Laoag City

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 02:55 PM

Posibleng nadulas umano ang motorsiklo ng biktima at bumangga sa railing ng tulay. Larawan mula sa Traffic Division ng Laoag City

LAOAG CITY – Patay ang isang lalaki matapos na bumangga ang kaniyang minamanehong motorsiklo sa railing ng tulay sa Barangay Mangato, Miyerkoles ng madaling araw.

Dead on arrival sa ospital si John Marvin Buduan.

Ayon sa mga pulis, posibleng nadulas ito dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo at tuluyang bumangga sa railing ng tulay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.