4 arestado sa Bacolod buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 01:52 AM

BACOLOD CITY, Negros Occidental—Arestado ang 4 na lalaki sa buy-bust operation sa Barangay 14, Bacolod City Martes ng gabi.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P125,000.

Ayon sa pulisya, ikinasa ang operasyon matapos magsumbong ang mga opisyal ng barangay ukol sa ilegal na gawain.

Target ng buy-bust si alyas Jerry na itinuturing na drug personality.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga hinuli.—Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.