2 sugatan sa aksidente sa Quezon flyover

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 04:55 AM

MAYNILA—Sugatan ang drayber at pahinante ng isang closed van matapos itong tumagilid sa Quezon Avenue flyover Martes ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, agad dinala sa ospital ang mga biktima.

Nagdulot ng trapik ang aksidente dahil 2 lane ang puwedeng daanan ng mga sasakyan. 

Makalipas ang nasa 1 oras ay natanggal ang van sa lugar.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng aksidente.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.