1 patay, 7 sugatan sa pamamaril sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 05:02 AM

MAYNILA—Patay ang 1 lalaki habang sugatan naman ang 7 iba pa matapos pagbabarilin ng 2 hindi pa kilalang salarin sa Barangay 176, Caloocan City Martes ng gabi.

Kinilala ang napatay na biktima na si Adrian Ramirez, 25 anyos at isang tricycle driver.

Batay sa paunang ulat ng pulisya, nangyari ang krimen bago mag-alas-7 ng gabi.

Ayon kay Police Col. Noel Flores, hepe ng Caloocan City police, kasalukuyang nagpapagaling ang mga sugatang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa insidente.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.