1 patay, 1 tiklo sa droga sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 04:22 AM

Patay ang isang lalaki habang arestado ang isa pa sa magkahiwalay na buy-bust operation sa San Jose, Nueva Ecija Martes ng gabi.

Ayon sa pulisya, bigla umanong bumunot ng baril nang aarestuhin na ang lalaking suspek.

Nagkaroon ng habulan at putukan na agad ikinamatay ng suspek na itinuturong tulak mula sa Barangay Caanawan.

Bago ito, timbog ang isang lalaki sa buy-bust operation sa kaparehong bayan at nakuhanan ng 2 sachet ng shabu.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.