Pintor at tattoo artist, huli sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2018 06:03 AM

MAYNILA - Naaresto ng mga pulis ang isang pintor at isang tattoo artist sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Kamaynilaan.

Sa Tondo, Maynila, nahuli ang isang 27-anyos na pintor na umano'y sangkot sa pagtutulak.

Narekober sa kaniya ang 3 sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, timbog ang isang 39-anyos na tattoo artist sa Barangay San Roque, Marikina.

Nakuha sa kaniya ang 4 sachet ng umano'y shabu.

Mahaharap ang 2 sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat nina Lyza Aquino at Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.