Mga Kristiyanong grupo, may babala sa patuloy na 'atake' ni Duterte sa simbahan

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2018 08:37 PM

May babala ang ilang eksperto sa patuloy na pang-iinsulto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paniniwala at panginoon ng mga Katoliko at iba pang Kristiyanong grupo.

Ayon sa kanila, nanganganib siyang talikuran ng mismong mga taga-suporta na hindi na kayang sikmurain ang mga pambabatikos na ito.

"President [Duterte] is unnecessarily alienating so many people. Marami dun sa nagsusuporta sa kaniya ay na-turn off din sa pananalita niya...Because God is the most sacred name all of us can utter...and to hear a curse word attached to that name really strikes hard at all of us," ani Father Ranhilio Aquino, dekano ng San Beda Graduate School of Law.

Giit ni Aquino, walo sa bawat 10 Pilipino ay Katoliko at karamihan sa milyon-milyong bumuto kay Duterte ay kabilang din sa relihiyong ito.

"He can't always depend on his popularity to get him over that because many who used to side with him in everything he said will not accept that their religion and their God is shamed in this manner," dagdag pa ni Aquino. 

Matatandaang binansagan ni Duterte ang panginoon bilang "istupido."

"Who is this stupid God...You created something perfect and then you think of an event that would tempt and destroy the quality of your work," ayon kay Duterte.

Ayon naman sa political analyst na si Ramon Casiple, puwedeng magdulot ng krisis ang mga banat na ito ng Pangulo dahil baka layasan na mismo siya ng mga taga-suporta niya.

"Definitely [it can cause crisis]. That's a very risky move," ani Casipe, executive director ng Institute For Political and Electoral Reform.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Council of Evangelcal Churches (PCEC) na lubos silang nasaktan sa anila'y pang-iinsulto ng Pangulo sa kanilang pananampalataya.

Babala ng grupo, puwedeng magdulot ng gulo ang hindi pagrespeto sa relihiyon.

"We..as firm believers in God and in the bible as his inspired word, are immensely offended by President Rodrigo Duterte's [remarks]...History teaches us that religious intolerance can lead to animosity and violent conflict," ayon sa PCEC.

Ipinagtanggol naman ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang pangulo.

"It's not an insult...Like an ordinary citizen, he has the right to express his opinion," ani Panelo. 

--Ulat ni Christian Esguerra, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.