Bagong talagang hepe ng EPD pinalitan agad

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2018 04:51 PM

MAYNILA - Pinalitan agad sa puwesto ang bagong talagang hepe ng Eastern Police District (EPD) nitong Martes. 

Ito ang kinumpirma sa ABS-CBN News ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, direktor ng National Capital Region Police Office.

Ayon kay Eleazar, desisyon ng national headquarters ang pagsibak kay Chief Supt. Alfredo Corpuz.

Wala pang ibang pahayag na inilalabas ang pulisya ukol sa dahilan ng desisyon.

Papalitan ni Senior Supt. Bernabe Balba si Corpuz bilang pinuno ng EPD, sabi ni Eleazar. 

Kauupo lamang sa EPD ni Corpuz nitong Hunyo 14. Kaniyang pinalitan si Chief Supt. Reynaldo Biay. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.