PatrolPH

1 patay, 4 huli sa Calamba buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2018 05:58 AM

LAGUNA - Patay ang isang hinihinalang tulak habang arestado naman ang kaniyang 4 na kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Calamba City, Laguna.

Kinilala ang nasawi na si Arvin Vergara, alyas Topak.

Ayon sa pulisya, nakahalata umano ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Nauwi ito sa barilan kung saan tinamaan si Vergara na dahilan sa kaniyang pagkamatay.

Nahuli naman ang 4 na kasamahan ng suspek sa Barangay Majada Out.

Narekober mula sa kanila ay isang baril, umano'y shabu na nagkakahalaga ng P12,000, at ilang drug paraphernalia.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Fay Virrey, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.