PatrolPH

Kotse sumalpok sa tricycle sa Pangasinan; 3 patay

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2022 05:15 PM

Photo courtesy: PNP Binalonan, Pangasinan
Photo courtesy: PNP Binalonan, Pangasinan

 

Ama ng paslit patay din sa aksidente

PANGASINAN- Tatlo ang namatay kabilang ang 1 anyos na bata na sakay ng tricycle nang salpukin ito ng isang kotse sa national highway ng Barangay Linmansangan, Binalonan, Pangasinan nitong Biyernes ng umaga.

Sa Imbestigasyon ng PNP Binalonan, umagaw ng linya sa kalsada ang kotse kaya bumangga ito sa tricycle na papunta sana sa palengke.

Sa lakas ng pagkabangga, tumilapon ang mga sakay ng tricycle na ikinasawi ng drayber na si Jimmy Basaen at anak nito na si Jimmark at kaibigan na umarkila sa tricycle na si Adelaida Dacuag.

Yuping-yupi ang tricycle at wasak naman ang harapan ng kotse.
Lumalabas na mabilis ang takbo ng kotse kaya nawalan ng kontrol ang drayber.

Kinasuhan na ng reckless imprudence resulting in multiple homicide ang drayber ng kotse, na kinilalang si Darwin James Federico, 19 anyos.

-- Ulat ni Dianne Dy

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.