PatrolPH

Tricycle sakay ang 3 babaeng galing pista nahulog sa bangin

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2021 06:02 PM

LAOANG, Northern Samar — Sugatan ang 3 babae sa bayan na ito matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang tricycle bago maghatinggabi ng Huwebes.

Ang 3 biktima ay galing sa piyesta sa Barangay Tan-awan at pauwi na sana.

Pero pagdating sa kurbadang bahagi ng daan, nahulog sa bangin ang tricycle.

Ayon sa driver, dahil sa bigat ng kanyang mga pasahero ay nahirapan siyang makabig ang manibela kaya dumeretso sila sa bangin.

Agad na nirespondehan ang mga biktima at dinala sa pinakamalapit na pagamutan matapos silang makatamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad ukol sa insidente.

—Ulat ni Ranulfo Docdocan 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.