PatrolPH

QC may bagong vaccine booking system bukod sa palista sa barangay

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2021 07:55 PM


MAYNILA — Matapos magkaaberya ang eZConsult booking system ng Quezon City LGU kung saan maraming residente ang nahihirapan makapasok sa website, nagdagdag na ang lungsod ng pangatlong mode ng booking system para sa vaccination.

Tinawag nila itong "QC Vax Easy" o ang online assisted booking system ng QC government. 

Ang link para makapagrehistro: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy

Ang mga nagrehistro sa QC Vax Easy ay makatatanggap ng text message ng kanilang vaccination schedule kapag may sapat nang supply ng bakuna ang lungsod.

Maaari ring magrehistro sa QC Vax Easy ang mga taga-QC na nakarehistro na rin sa eZConsult o sa kanilang mga barangay.

Bukod kasi sa QC Vax Easy at eZConsult app, meron ding barangay-assisted booking ang QC kung saan nagpapalista lang sa barangay ang gustong magpabakuna.

—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.