PatrolPH

Lalaking umakyat ng puno habang lasing sinagip

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2021 06:07 PM

Lalaking umakyat ng puno habang lasing sinagip 1
Napag-alaman na ang 18 anyos na lalaki ay umakyat sa puno ng caimito matapos na siya'y malasing. BFP Marcrohon

MACROHON, Southern Leyte — Ni-rescue ng mga awtoridad ang isang lasing na lalaki bandang alas-2 ng madaling araw noong Miyerkoles sa bayan na ito.

Napag-alaman na ang 18-anyos na lalaki ay umakyat sa puno ng caimito matapos na siya'y malasing.

Tumulong ang Bureau of Fire Protection at ilang residente para ligtas na maibaba sa puno ang nasabing lalaki.

Nang maibaba sa puno ng kahoy ang lalaki ay agad naman itong nai-turnover sa Macrohon Police Station para pagpaliwanagin.

—Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.