Pagkain, hygiene kits hatid sa mga na-stranded sa Army headquarters

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2020 07:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Bitbit ang 3 taong gulang na apo, sabik nang makauwi ng Davao ang 65 taong gulang na si Agostina Dayagano, na kasalukuyang tumutuloy sa Philippine Army headquarters ngayon sa Taguig.

Lumuwas si Dayagano sa Maynila noong Pebrero para puntahan ang anak na manganganak. Uuwi na sana siya noong Marso pero inabutan ng lockdown.

"Mahirap talaga ang matanda... mahirap talaga," ani Dayagano.

Mula sa bahay ng kaniyang anak sa Taguig, pumunta si Dayagano sa Philippine Army headquarters at nagbakasakaling matutulungan siyang makauwi.

"Na-ano ko sa mga balita na maraming tumutulong dito na paalis, papunta sa amin kaya sinubukan ko," ani Dayagano.

"Nagpapasalamat ako sa kanila lahat na mga sundalo kasi hindi kami pinabayaan. Mabuti sila sa amin," dagdag niya.

Papunta naman sanang Jordan ang overseas Filipino worker na si Shiela Aldabo noong Pebrero pero nalaman niyang buntis pala siya.

Pabalik na siya ng South Cotabato at 4 na beses nang nakansela ang kaniyang biyahe dahil sa lockdown.

"Mahirap ang sitwasyon kasi mag-isa lang ako eh... baka abutan ako ng panganganak walang mag-aalaga sa akin," ani Aldabo.

Sa ngayon, 491 ang pansamantalang tumutuloy sa tanggapan ng Philippine Army at naghihintay ng biyahe sa kani-kanilang mga probinsiya, ayon kay Army Spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala.

Bawat pumapasok sa pasilidad ay kailangang dumaan sa rapid testing at nakarehistro para matiyak na walang magdadala ng COVID-19 doon.

"We have a mobile kitchen that cooks for everyone here. That's why we are very thankful for our kababayans who donate also their food," ani Zagala.

Umalalay din ang Pantawid ng Pag-ibig sa Army sa pamamagitan ng pagdadala ng ready-to-eat meals, tubig, at hygiene kits.

"'Yong mga nagbibigay samin na mga pagkain, ay malaking pasasalamat," ani Dayagano.

"Salamat talaga kasi hindi ako nahirapan sa labas. Hindi niyo kami pinabayaan," sabi naman ni Aldabo.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.