Sunog sumiklab sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 03:15 AM | Updated as of Jun 25 2019 04:18 AM

MAYNILA (UPDATE)—Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay 73, Caloocan City Martes ng madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas na sa Task Force Alpha ang insidente, kung saan hindi bababa sa 17 firetrucks ang kailangang rumesponde.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagsimula ang apoy alas-2 ng madaling-araw at patuloy na inaapula ng mga bombero sa kabila ng kawalan ng tubig.

Patuloy naman sa pagsalba ang mga residente sa kanilang mga kagamitan. 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.—Ulat ni Lyza Aquino at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.