Magtiyahin tiklo sa Iligan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 01:58 AM

ILIGAN CITY—Arestado ang isang magtiyahin sa buy-bust operation sa bus terminal sa Barangay Tambo, Iligan City Linggo ng hapon.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P250,000.

Inamin ng magtiyahin na nagtutulak sila ng droga dahil walang mapagkakitaan.

Ayon kay Neil Pabilona ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), dati nang nakulong ang lalaking suspek pero nakalaya dahil sa plea bargaining agreement.

Samantala, ginawang negosyo umano ng babaeng suspek ang droga, dagdag ni Pabilona.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magtiyahin.—Ulat ni Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.