Lalaki natagpuang patay sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 02:01 AM

NEGROS OCCIDENTAL - Natagpuang patay ang isang lalaki sa Barangay Hilamonan, Kabankalan City, Negros Occidental Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ignacio Pacheco, 61 anyos, na nagtamo ng tama ng bala sa hita.

Ayon sa pulisya, natagpuan ng anak na duguan ang ama sa daan sa Sitio Retiro. May narekober na holster sa gilid ni Ignacio pero walang nakitang baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.—Ulat ni Mark Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.