Babae patay nang mabundol nang 2 beses sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 10:37 AM | Updated as of Jun 25 2019 10:51 AM

Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae matapos mabangga ng motorsiklo at ng isa pang sasakyan sa Barangay Mandalagan, Bacolod City nitong Martes. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, tumatawid sa kalsada ang babae madaling araw nang mabangga ito ng motor.

Matapos matumba ay nabangga din siya ng isa pang sasakyang bumabiyahe sa daan.

Ayon sa ilang nakakita, maaaring hindi nakita ng drayber ng sasakyan na nakahiga ang babae dahil madilim ang daan.

Sugatan ang 2 lalaking nakasakay sa motor nang mahulog matapos ang aksidente. 

Tinutukoy pa ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng babae habang patuloy pang ginagamot sa ospital ang mga nakabangga.

-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.