2 mangingisda nalunod, 2 nawawala sa isang minahan sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 06:08 PM

Albay Coast Guard

ALBAY - Patay ang 2 lalaki at 2 pa ang hinahanap matapos malunod umano ang mga ito sa isang minahan sa Rapu-Rapu nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ervin Veloso at Salvador Bata habang mga nawawala naman ay sina Orly Bisco at Timoteo Balunzo.

Sa paunang imbestigasiyon ng mga awtoridad, kukunin sana ng apat ang isang submersible pump sa isang open pit sa Barangay Batan.

Ayon sa mga awtoridad, aabot daw sa 20-30 feet ang hukay na puno ng tubig kung kaya hindi na kinaya ng mga lalaki na umahon sa nasabing hukay.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung kanino ang nasabing submersible pump at ano ang dahilan ng ng apat na biktima kung bakit gusto nilang kunin ito.

Tumutulong na rin ang Coast Guard sa retrieval operation ng dalawa pang nalunod na mangingisda. - Thea Omelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.