Retiradong pulis patay sa pamamaril sa Mandaue

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2018 10:33 AM

MANDAUE CITY, Cebu - Patay ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng 2 hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay Cubacub dito nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa isang saksi, nakaupo lamang ang biktimang si Ranilo Valiente nang lapitan ng 2 lalaki at barilin ng ilang beses.

Sugatan rin ang isang Jason Mayola na katabi ni Vailente nang mangyari ang insidente. Nadala si Mayola sa ospital at ligtas na ang kalagayan.

Duda ang pamilya ni Valiente na pulitiko sa lungsod ang responsable sa pamamaril.

Kuwento ng misis ni Valiente na tumangging pangalanan, may isang pulitiko raw sa lungsod ang may galit umano sa kaniyang asawa.

Sa ngayon, tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ng biktima ang pamamaril.

Dalawampu't-isang taon sa serbisyo si Valiente bago nagretiro noong nakaraang taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.