6 lalaking nagbebenta umano ng marijuana timbog sa Maynila

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2018 08:19 AM

MAYNILA - Arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation Lunes ng umaga ang 6 na lalaking nagbebenta umano ng marijuana sa siyudad.

Unang nahuli ang 2 lalaki sa Pasig Line, Sta. Ana sa tulong ng tip ng isang informant.

Itinuro ng mga ito ang kanila umanong pinagkukunan ng droga kaya natunton ang 4 pang lalaki sa M. Roxas Street.

Aabot sa 8 medium-sized na sachet ng marijuana ang nasabat sa mga suspek.

Ayon kay Supt. Dave Mejia, hepe ng Manila Police District Station 6, panay high school students ang binebentahan ng mga ito.

Aabot aniya sa P300 kada sachet ang halaga ng binebenta nilang marijuana sa mga estudyante.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.