5 hinihinalang tulak arestado sa buy-bust sa Bacoor, Cavite

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2018 08:56 AM

MAYNILA - Limang hinihinalang tulak ng droga ang arestado sa buy-bust operation sa Bacoor, Cavite, Linggo ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, natanggap nila ang tip sa kinaroroonan ng mga suspek mula sa mga opisyal ng barangay kaya agad silang nagkasa ng buy-bust sa Barangay Molino 3.

Mailap umano ang grupo na matagal na nilang hinahanap. Nagpalipat-lipat pa sila ng nirerentahang bahay at kadalasa'y dulo ng eskinita ang pinipili nila para makatunog agad pag may pulis.

"Barangay na mismo ang nag-tip sa atin na lumipat na naman ng bahay. So nasiguro natin na andoon nga, kaya naabutan natin 'yung mismong tagabagsak at itong apat," ani Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police.

Kabilang sa naaresto ng pulisya ang isang alyas Cafgo na tumanggi sa akusasyon. Pero ang misis niya, umamin na agad sa mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.