Babae patay sa pananaksak sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2017 09:01 AM

MAYNILA - Natagpuang tadtad ng saksak, nakadapa at nakahubad ang bangkay ng isang 21 anyos na babae sa loob ng kaniyang inuupahang bahay sa 2nd Avenue sa Brgy. 38, Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Katrina Abalos. Bukod sa kanyang sinapit sa kamay ng salarin, wala na rin ang kanyang cellphone at wala nang laman ang kanyang pitaka na natagpuan sa crime scene.

Nakita rin ng mga awtoridad na nakatali at nakabusal na ang nguso ng alagang aso ng biktima.

Pinag-aaralan ng pulisya ang posibilidad na ang asawa ng biktima ang salarin sa krimen. Iniimbestigahan pa ang motibo ng pagpatay.-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.