79 lumang bomba nahukay sa Ecija

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2017 04:39 PM | Updated as of Jun 26 2017 08:32 AM

Ikinakarga sa isang military truck ang mga antigong bomba na nahukay sa Nueva Ecija.

ZARAGOZA, Nueva Ecija - Nahukay ang 79 na lumang bomba sa isang construction site na pagtatayuan sana ng isang evacuation center sa Barangay del Pilar sa bayang ito.

Ayon sa pulisya, ang construction worker na si Rogelio Santos ang nakahanap at nag-ulat sa unang 31 na unexploded ordnance sa lugar nitong Sabado.

Linggo nang umaga naman nahanap ng bomb experts ng Philippine Army ang natitirang 38 na bomba.

Nang ipagpatuloy ng pulisya ang pagsisiyasat sa lugar nitong Linggo, napag-alamang may 10 pang bomba na naitabi ang ilang construction worker.

Sasailalim sa disposal Linggo ng hapon ang kabuuang 79 na natagpuang bomba.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.