PatrolPH

Kotse, nagliyab sa EDSA

Karen De Guzman, ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2023 07:28 PM

Larawan mula kay Raymond Dacasin
Larawan mula kay Raymond Dacasin

Nagliyab ang isang asul na kotse sa gitna ng EDSA-Boni northbound lane sa Mandaluyong City nitong Sabado

Ayon sa MMDA, napansin ng drayber ng kotse na may umuusok sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan dakong 12:40 ng tanghali.

Agad bumaba ang drayber para humingi ng tulong.

Nagdulot ang sunog ng pagbagal sa daloy ng trapiko.

Rumesponde kaagad ang mga bumbero kasama ang mga tauhan ng MMDA para umalalay sa mga motorista. 

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Dakong 12:49 nang tuluyang maapula ang apoy at pasado alas dos ng hapon nang matanggal ang nasunog na kotse sa kalsada.

Inaalam pa sa ngayon ng BFP ang dahilan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.