PatrolPH

Urn ni dating Pangulong Noynoy Aquino, iniuwi muna ng pamilya

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2021 11:33 PM

MAYNILA - Iniuwi muna ng pamilya Aquino ang mga labi ni dating Pangulong Benigno Aquino III bago dalhin sa Ateneo de Manila University sa Biyernes.

Bandang 9:30 ng gabi Huwebes inialis na sa Heritage Park sa Taguig ang urn na naglalaman ng abo ni dating pangulong Noynoy.

Isinakay ito sa isa sa mga sasakyan ng kapatid ni Noynoy na si Pinky. Escorted ang convoy ng police mobile at tumagal lamang ng 20-minuto ang naging biyahe ng convoy mula Taguig na idinaan sa C-5 hanggang sa dumiretso sa Green Meadows Subdivision sa Quezon City.

Hinarang na ng mga guwardiya ang media sa gate ng subdivision.

Mula dito inaasahang maagang ibibiyahe ang urn ng dating pangulo bukas ng umaga sa Ateneo de Manila University para sa gaganaping misa ganap na alas-9:30 ng umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.