PatrolPH

Higit P1-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Marikina

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2021 06:27 AM | Updated as of Jun 24 2021 06:47 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Timbog ang 3 drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng Marikina City Police sa Barangay Santo Niño Miyerkoles.

Target ng operasyon ang 2 lalaking kilala bilang alyas Boss at alyas Migs na parehong newly identified high-value individual dahil sa malakihan umano nilang pagtutulak ng droga, ayon sa pulisya.

Kasama nila ang isa pang lalaki na si alyas Khalid nang mangyari ang operasyon.

Nasa P500 halaga ng hinihinalang shabu ang naibenta ng grupo sa poseur buyer na naging hudyat para arestuhin sila.

<link>
Pinaghihinalaang 'shabu' na may halagang P258-M, nakuha sa condo sa Maynila

Kumpiskado pa sa 3 ang nasa 150 gramo ng hinihinalang shabu.

Abot sa P1.02 milyon ang kabuuang halaga ng nasamsam na ilegal na droga.

Inaalam pa kung saan galing ang kanilang suplay at kung sino-sino ang kanilang mga parokyano.

Selling at possession of dangerous drugs ang isinampang kaso laban sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.