PatrolPH

2 trak nahulog sa bangin sa Northern Samar, 1 patay, 23 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2021 12:07 PM

2 trak nahulog sa bangin sa Northern Samar, 1 patay, 23 sugatan 1
Sakay ng dalawang trak ng Special Action Force ang 24 katao, kabilang ang 21 na pulis at dalawang dating rebeldeng nagsisilbing guide ng grupo nang mahulog sa bangin sa Las Navas, Northern Samar nitong Hunyo 23, 2021. Larawan mula sa Police Regional Office 8

Patay ang isang kasapi ng Special Action Force ng Philippine National Police, habang 23 iba pa ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang trak sa Barangay Dolores sa bayan ng Las Navas sa Northern Samar, Miyerkoles ng madaling araw.

Kasama sa mga nasugatan ang 21 pang mga pulis at dalawang dating rebelde na nagsilbi bilang guide ng grupo.
 
Kuwento ng isang SAF member na nagmaneho ng isa sa mga trak, nawalan ng preno ang kanyang minamanehong behikulo kaya nabangga niya ang likurang bahagi ng sinusundang trak ng SAF. 

Dahil dito, nagtuloy-tuloy sa bangin na may lalim na 40 talampakan ang dalawang trak.

- Ulat ni Sharon Evite

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.