#WalangTubig: Ilang lugar sa Cainta, Marikina, Pasig sa Hunyo 24-25

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2020 03:01 PM | Updated as of Jun 24 2020 03:16 PM

Nag-abiso ang Manila Water sa kanilang mga kostumer na mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Cainta sa Rizal province, Marikina, at Pasig simula gabi ng Miyerkoles.

Ayon sa Manila Water, alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ng Huwebes mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay San Andres at Barangay San Roque sa Cainta.

Simula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ng Huwebes naman mawawalan ng tubig ang Barangay Calumpang sa Marikina at Barangay Santolan sa Pasig.

Ang water service interruption ay bunsod ng isasagawang line meter replacement at declogging.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.