SUV sumalpok sa concrete barrier sa EDSA-Ortigas flyover

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2020 08:36 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nagkasira-sira ang bumper ng isang SUV matapos itong sumalpok sa mga concrete barrier sa EDSA-Ortigas flyover sa Mandaluyong nitong Martes ng gabi.

Ayon sa driver ng SUV na si Almar Galang, may nakatumbang concrete barrier sa bukana ng flyover kaya siya nabangga sa iba pang barrier.

Itinanggi niyang mabilis ang kaniyang pagpapatakbo, at sinabing nasa 50-80 kilometers per hour lang ito.

Galing umano siya ng Marikina at papunta ng Pasay ng mangyari ang aksidente, dagdag niya.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng first reponder ng MMDA, posibleng sa bus lane dumaan ang SUV dahil ang sira nito ay nasa kanang bahagi ng bumper.

Iniimbestigahan pa kung may nakatumba ngang concrete barrier kaya nadisgrasya ang sasakyan.

Sa ngayon ay impounded muna sa MMDA ang sasakyan. Walang nasaktan sa aksidente.

--Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.