'Pantawid ng Pag-ibig': Mga taga-Talim Island dinalhan ng relief packs

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2020 08:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nakatengga ang mga gawang bamboo furniture ni Edsel Villones sa harap ng kanilang bahay sa Talim Island sa Binangonan, Rizal.

Subalit 3 buwan na siyang walang kita ngayon dahil sa coronavirus pandemic.

"Itong kalakal namin na 'to, hindi namin ma-deliver dahil sa aming pagdadalhan gawa ng COVID," ani Villones.

Halos isang oras na biyahe sa bangka bago marating ang Talim Island.

Mula nang mag-lockdown, naghigpit sa biyahe ng mga bangka ang local government unit kaya nananatiling walang kaso ng COVID-19 sa isla.

Kapalit nito, napilitang maghanap ng ibang mapagkakakitaan ang mga residente.

"Minsan ume-extra ako sa pangingsida... minsan ang paghahanapbuhay sa dagat, minsan suwerte, minsan lugi," ani Villones.

Pero habang umaasa sila sa pangingisda, sumabay naman ang fish kill.

Bilang pag-agapay sa mga taga-Talim Island, tinawid ng Pantawid ng Pag-ibig campaign ang Laguna Lake para maghatid ng tulong.

Nasa 1,500 relief packs na may bigas, de-lata, at kape ang nakarating sa 9 na barangay ng Talim Island.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.