Korean na ikinulong ng mga kababayan sa isang Parañaque condo, nasagip

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2020 01:50 AM | Updated as of Jun 24 2020 02:28 AM

MAYNILA - Nailigtas ng mga awtoridad nitong Martes ang isang Korean na ikinulong ng mga kababayan niya na mga miyembro umano ng isang sindikato sa Parañaque City.

Kinilala ang biktima na si Gunse Lee. Arestado naman ang mga suspek na sina Hyeok Soo Kwon, Dong Woo Sim, at Yeongjun Lim na pawang miyembro umano ng isang Korean voice phishing criminal group.

Ayon sa pulisya, bagong recruit na caller ng grupo ang biktima, ngunit nang malaman na nagbibigay ito ng impormasyon sa mga awtoridad, hindi na ito pinalabas sa isang condominium unit sa Brgy. San Isidro.

Nailigtas ang biktima matapos makahingi ng tulong. Nasamsam mula sa mga suspek ang 7 cellular phones, 4 na landline telephone, WiFi modems at router, at ilang dokumento.

Modus ng mga suspek ang online loan fraud, o panggagantso sa mga kapwa Koreano sa pamamagitan ng telepono.--Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.