53 hindi nagsuot ng face mask sa bayan sa Iloilo pinag-community service

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2020 10:53 AM

Watch more in iWantTFC

ILOILO - Pinatawan ng community service ang 53 residenteng nahulihang hindi nagsusuot ng face mask sa bayan ng Concepcion, sa probinsyang ito. 

Ayon kay Mayor Raul Banias ng Concepcion, nahuli ang 53 sa loob lang ng isang oras na operasyon ng PNP at Municipal Auxiliary Police sa tatlong mga barangay ng Aglosong, Bacjawan Norte at Bacjawan Sur, Concepcion, Iloilo noong Huwebes. 

Papatawan sila ng 4-hour community service bilang "first time offenders."

"We will sustain this campaign in our determined effort to prevent the entry of COVID 19 in our town," ani Mayor Banias.

Sa probinsiya, obligadong magsuot ng face mask ang mga residente habang nasa labas para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Kasalukuyang nasa modified general community quarantine ang Iloilo.

-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.